
Nagpapakalunod ka sa usok na dulot ng iyong bawat layaw. Mariwasa mong nagagawa nagagawa ang bawat naisin. Ngunit habang tinatahak mo ito ay sumisidhi ang galit na naguumapaw sa bagabag mong diwa. Sapagkat isa kang mabuting bahagi ng lupang tugatog ng karangalan." "At ang buhay ng bayan mo ay sa iyo nakasalalay. Hawak mo sa iyong mga kamay ang kinabukasan ng iyong lahi. Tinagurian kang henyo ng bagong henerasyon sapagkat ang buhay sa iyo ay nasasalamin.

Sa bawat patak ng pawis mo ay ginintuang butil sa palayan na bumubuhay sa iyong naghihikahos na bayan. Sa iyong mga butong kasing-tigas ng mga marmol sa Romblon ay pumipitik ang dugo ng isang Malaya, laman ng isang maginoo, balat ng isang bayani, at isip ng isang matalinong Pilipino. "Ibinalabal sa iyo ang lakas ng isang kabataan." Ni buhok ni Gat Jose Rizal, o ni Luna, o ni Mabini ay di na kailanman masasamyo ang katapangan, ngunit ipinaalam sa iyo kung ano ang itong halimuyak. Itinurok tanda upang ipagmalaki ka ng iyong lahi.

At upang patapangin ang pulang dugong dumadaloy sa bawat mong pangarap. Upang mapangalagaan ang busilak na balon ng kapayapaan na ipinagkatiwala sa iyo ng dakila mong bayan. Upang buhayin ang mayaman mong pag-iisip at paghusayan ang kakayahang ipinamana sa iyo. Upang linangin ang katapangan at kasipagang dumadaloy sa iyong mga ugat. Nabigyan ka ng pagkakataon sa gilid ng bughaw mong karagatan, at sa ibabaw nito, sa tugatog ng mayaman mong mga pulo at sa kasaganaan ng iyong kapatagan. Isinalin sa iyo ng iyong mga ninuno ang tungkuling yakapin at ipagtanggol ang iyong lahi.

Natamo mo ang lahat ng karapatan, kahalalan, at kalayaan maging Pilipino. HUMUPA NA ANG usok ng digmaan at ang bayan mo ay lumaya. Saan ang puso kung sa iba'y wala din naman? Upang paglaruan, katulad ng iyong paglalaro, Upang husgahan at litisin ka sa iyong sala. Mga butong pinatigas ng matandang pandaraya,
